Pagtingin ng mga larawan at video
Gamitin ang application na Album upang tumingin ng mga larawan at mag-play ng mga
video na kinunan mo gamit ang iyong camera, o upang tumingin ng katulad na nilalaman
na na-save mo sa iyong device. Ipinapakita sa isang grid na nakaayos ayon sa petsa ang
lahat ng larawan at video.
1
Tapikin ang upang buksan ang menu ng home screen ng Album
2
Tingnan ang mga opsyon sa menu
3
Isang slideshow ng lahat ng iyong larawan at video, o ng mga idinagdag mo sa mga paborito
4
I-drag pakanan ang kaliwang gilid ng screen upang buksan ang menu ng home screen ng Album
5
Ang petsa ng mga item sa grupo
6
Tapikin ang isang litrato o video upang tingnan ito.
7
Mag-scroll pataas o pababa upang tingnan ang nilalaman
Para tingnan ang mga litrato at video
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Hanapin at tapikin ang
Album.
3
Tapikin ang isang litrato o video na gusto mong tingnan. Kung na-prompt, tapikin
ang .
4
Mag-flick pakaliwa upang tingnan ang susunod na larawan o video. Mag-flick
pakanan upang tingnan ang nakaraang larawan o video.
Upang itakda ang screen na awtomatikong mag-rotate kapag itinagilid, tapikin ang
Ikutin ang
mga nilalaman ng screen sa ilalim ng Mga Setting > Display > Kapag inikot ang device.
Maaaring hindi sinusuportahan ng application na Album ang lahat ng format ng file. Para sa
higit pang impormasyon tungkol sa mga sinusuportahang format ng file at paggamit ng mga
multimedia (audio, imahe at video) file, i-download ang White Paper para sa iyong device sa
www.sonymobile.com/support/
.
Upang baguhin ang laki ng mga thumbnail
•
Kapag tumitingin ng mga thumbnail ng mga larawan at video sa Album,
paghiwalayin ang dalawang daliri upang mag-zoom in, o i-pinch ang dalawang
daliri upang mag-zoom out.
Upang mag-zoom sa isang larawan
•
Kapag tumitingin ka ng isang larawan, paghiwalayin ang dalawang daliri upang mag-
zoom in, o pagtagpuin ang dalawang daliri upang mag-zoom out.
113
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Upang manood ng slidesho ng iyong mga litrato
1
Kapag may tinitingnan kang larawan, tapikin ang screen upang ipakita ang mga
toolbar, pagkatapos ay tapikin ang >
Slideshow upang simulang i-play ang lahat
ng larawan sa isang album.
2
Tapikin ang litrato upang wakasan ang slideshow.
Para mag-play ng video
1
Sa Album, hanapin at tapikin ang video na gusto mong i-play.
2
Tapikin ang .
3
Kung hindi ipinapakita ang mga kontrol sa pag-playback, tapikin ang screen para
ipakita ang mga ito. Para itago ang mga kontrol, tapiking muli ang screen.
Upang i-pause ang video
1
Kapag nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang mga control.
2
Tapikin ang .
Upang mag-fast-forward at mag-rewind ng video
1
Kapag nagpe-play ang video, tapikin ang screen upang ipakita ang mga control.
2
I-drag ang marker ng progress mar pakaliwa upang i-rewind, o pakanan upang i-
fast-forward.
Upang i-adjust ang volume ng tunog ng isang video
•
Pindutin ang volume key nang pataas o pababa.