Sony Xperia XA1 Dual SIM - Pagpapaganda sa output na tunog

background image

Pagpapaganda sa output na tunog

Maaari mong pagandahin ang tunog ng iyong device sa pamamagitan ng manu-manong

pagpapagana sa mga indibidwal na setting ng tunog gaya ng Equalizer at Surround

sound. Maaari mong paganahin ang Dynamic normalizer upang paliitin ang pagkakaiba

ng volume sa pagitan ng mga kanta o mga video. Maaari mo ring pagandahin ang

kalidad ng mga naka-compress na music file nang malapit sa kalidad ng High-resolution

Audio kapag gumagamit ka ng wired na headphone.

Upang awtomatikong pahusayin ang output ng tunog

1

Sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tunog > Mga setting ng audio.

3

I-enable ang function na

ClearAudio+ sa pamamagitan ng pagtapik sa slider.

Upang manu-manong i-adjust ang mga setting ng tunog

1

Sa Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga setting > Tunog > Mga setting ng audio.

3

Kung naka-enable ang function na

ClearAudio+, tapikin ang slider para i-disable

ito.

4

Tapikin ang

Mga sound effect > Equalizer.

5

Baguhin ang mga setting ng tunog sa pamamagitan ng pag-drag sa mga button

ng frequency band nang pataas o pababa.

Walang epekto ang manu-manong pag-adjust sa mga setting ng output ng tunog sa mga

application na voice communication. Halimbawa, walang pagbabago sa kalidad ng tunog ng

voice call.

Upang mapaliit ang mga pagkakaiba sa volume gamit ang Dynamic normalizer

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tunog > Mga setting ng audio.

3

I-enable ang function na

Dynamic na normalizer sa pamamagitan ng pagtapik sa

slider.