Pag-synchronize gamit ang Microsoft
®
Exchange ActiveSync
®
Kung gumagamit ang iyong kumpanya ng isang Microsoft Exchange ActiveSync
account, direkta mong maa-access ang iyong mga pangkumpanyang mensaheng email,
appointment sa kalendaryo at contact sa iyong device. Pagkatapos ng pag-setup,
mahahanap mo ang iyong impormasyon sa
I-email, Kalendaryo at Mga Contact na mga
application.
Kung nag-set up ka ng Microsoft® Exchange ActiveSync® (EAS) account sa iyong Xperia™
device, ang mga setting ng seguridad ng EAS ay maaaring maglimita sa uri ng lock screen sa
isang PIN o password lang. Nangyayari ito kapag tinukoy ng iyong network administrator ang
isang uri ng lock screen para sa lahat ng EAS account para sa mga layuning panseguridad ng
enterprise. Makipag-ugnayan sa network administrator ng iyong kumpanya o organisasyon
para tingnan kung anong mga patakarang panseguridad ng network ang ginagamit para sa
mga mobile device.
59
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.
Para mag-set up ng EAS account para sa pag-synchronize
1
Mula sa iyong
Home screen, tapikin ang .
2
Tapikin ang
Mga setting > Mga account at pag-sync > Magdagdag ng account >
Exchange ActiveSync.
3
Ipasok ang iyong pangkumpanyang email address at password.
4
Tapikin ang
SUSUNOD. Kung pumalya ito, manu-manong ipasok ang mga
detalye ng domain at server para sa iyong account at pagkatapos ay tapikin ang
SUSUNOD.
5
Tapikin ang
OK para payagan ang iyong pangkumpanyang server na kontrolin ang
iyong device.
6
Pumili ng paraan sa pag-synchronize, agwat ng pag-synchronize at ang data na
gusto mong i-sync sa iyong device.
7
Tapikin ang
SUSUNOD, pagkatapos ay piliin kung paano mo gustong
maabisuhan kapag may dumating na bagong email.
8
Tapikin ang
SUSUNOD, magpasok ng pangalan para sa pangkumpanyang
account, pagkatapos ay tapikin ang
TAPUSIN ANG PAG-SETUP.
9
Kung mapo-prompt, isaaktibo ang device administrator para payagan ang iyong
pangkumpanyang server na magtakda ng ilang partikular na patakarang
panseguridad sa iyong device, gaya ng pagdi-disable ng voice recording at
paggamit ng pag-encrypt ng storage.
Para mag-alis ng EAS account
1
Sa iyong
Home screen, tapikin ang > Mga setting > Mga account at pag-sync.
2
Tapikin ang
Exchange ActiveSync, at pagkatapos ay piliin ang EAS account na
gusto mong alisin.
3
Tapikin ang , pagkatapos ay tapikin ang
Alisin ang account.
4
Tapiking muli ang
TANGGALIN ANG ACCOUNT para kumpimahin.
60
Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.