Sony Xperia XA1 Dual SIM - Paghahanap ng identification number ng iyong device

background image

Paghahanap ng identification number ng iyong device

Ang iyong device ay may natatanging identification number. Ang numerong ito ay

tinatawag na IMEI (International Mobile Equipment Identity). Dapat kang magpanatili ng

kopya ng numerong ito. Halimbawa, maaari mo itong kailanganin kapag na-access mo

ang serbisyo ng suporta ng Xperia™ Care upang irehistro ang iyong device. Gayundin,

kung nanakaw ang iyong device, maaaring gamitin ng ilang network provider ang

numerong ito upang mapigilan ang device na i-access ang network sa iyong bansa o

rehiyon.

Para sa mga device na may dalawang SIM card, may dalawang numero ng IMEI, isa para sa

bawat slot ng SIM card.

Para tingnan ang iyong mga IMEI number sa label strip

1

Buksan ang takip para sa lalagyan ng nano SIM at memory card.

2

Alisin ang lalagayan ng SIM/ Memory Card.

3

I-drag ang strip palabas gamit ang iyong kuko. Ang mga IMEI number ay

ipinapakita sa strip.

Maaari mo ring tingnan ang mga IMEI number sa pamamagitan ng pagbukas sa dialer ng

telepono at pagpasok ng

*#06#

.

Upang tingnan ang iyong mga IMEI numbers sa pamamagitan ng mga setting ng

device

1

Mula sa iyong

Home screen, tapikin ang .

2

Hanapin at tapikin ang

Mga Setting > Tungkol sa telepono > Katayuan >

Impormasyon ng IMEI.

19

Ito ay isang internet na bersyon ng lathalang Internet. © Ilimbag lang para sa personal na gamit.